Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sinubukan ko na hawakan ang bukang-liwayway sa aking mga palad ngunit hindi raw mag-uumaga sa aking bansa. Pagkat ang Haring Araw ay lilisan na.
Paano tutuloy sa buhay kung ang araw at gabi ay tatangayin mo sa iyong paglalakbay?
Paano palalampasin ang hatinggabi at sasalubungin ang bukang-liwayway kung di ko na muling masisilayan ang liwanag ng umaga na nasa iyong mga mata?
Paano ba magpapaalam upang maging sapat na ang lahat ng nagdaang panahon?
Paano ba gugunitain ang mga alaala nang maging matamis at mapuno ng pag-asa kahit ang mga alaala ng pagkabigo at pagdurusa?
Paano babaguhin ang nakasanayan na?
Paano titigilang isipin ang pirming nasasaisip?
Paano ko babaguhin ang buhay ko at hubuging muli na hindi kadikit nang sa iyo?
Paano ko ba bibitawan ang taong ni minsan ay di naging akin?
Paano tatapusin ang hindi naman nasimulan?
Paano muling makikipagsapalaran at tuluyang talikuran ang paraisong nakagisnan dumayo sa walang kasiguruhan at maghanap muli ng panibagong paraisong magpaghihimlayan?
Paano paaagusin ang mga damdamin nang maubos na at magkaroon muli ng puwang sa puso para sa mga bagong damdamin?
Paano kakalmahin ang mga pangambang di na muling mapupunuan ang kawalan kapag ako'y iyong iwan?
Paano muling bubuksan ang sisidlan ng diwa na iyong ipipinid kapag ikaw ay lumisan?
Paano ipararating sa iyo ang buhay na pag-ibig para sa iyo upang saan ka man magtungo ay madarama mo?
Paano pa maipapakita na sadyang mahal kita at wala nang magagawa ang sinuman ikaw man o ako upang mapabulaanan ang pag-ibig na ito?
Paano ka ba lilimutin? Paano ba mabuhay nang hindi ka ibigin?
Naririnig ko pa ang tawa't hagikgik Ng una kong sinta at kalarong paslit At ang sabi ng matatanda Siya ay maalwan, ako'y dukha Di raw kami bagay at kayraming dahilan Ngunit si Bakekay ay walang pakialam Sa aming kamusmusan kayraming palaisipan Ngunit tatlong bagay ang aking natutunan
Ang pag-asa'y walang hanggan Pag-ibig ay walang hadlang At lilipad ang saranggola sa ulan.
At kung ang pagsinta ay di man nagtagal Ang mas mahalaga natutong magmahal Umibig na walang panghihinayang Kahit malamang na masaktan
Kanina lang, sa aking tabi'y may aleng lumiko At sa pagmamadali, nasagi ang aking puso Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan
Gaya ng lagi't laging sinasabi ko O siya nawa ay siya na nga ang totoo.
Eto na naman ako sa aking kabaliwan Na sinasabi nga nilang suntok sa buwan Ngunit hindi hihindian Ng tulad kong natuto nang Magpalipad ng saranggola sa ulan
Heto ako, tumatandang Nakahandang panindigang Ang bato sa tubig ay lulutang At lilipad ang saranggola sa ulan _________________________________
Ang pangalan ko ay Maya. Gusto ko ng isang manyika. Kaso wala akong pera Ni magandang damit o sapatos O malinis na mga kamay Upang ako ay papasukin sa tindahan. Kaya’t mag-iisang taon na ako Na araw-araw na nakasulyap Sa manyikang may pulang damit Sa likod ng salamin Isang metro lamang ang layo ko Upang mahaplos ko ang porselanang mukha Ng manyika na pinangalanan kong Elena Kundi lang sa salamin Na namamagitan sa amin. Si Elena kasi Ayaw akong papasukin Sa kanyang tahanan Para bagang madudungisan ko siya Kung ako’y lumapit sa kanya. Kinakausap ko siya araw-araw Ngunit hindi niya ako sinasagot Kinukwentuhan ko siya ng mga saloobin ko Ngunit hindi siya nakikinig. Naroon lamang siya Kunyari’y nakatitig sa akin Ngunit hindi naman ako nakikita O tunay na nakikilala. At ang masakit pa Ay ayaw niyang magpakilala sa akin At ayaw niya akong tanggapin Kahit na sa lahat ng naibahagi ko na sa kanya Ay dapat mas kilala na niya ako Kaysa sa kilala ko ang sarili ko. Ngunit dahil may salamin Na namamagitan sa amin Naroon lang ako sa labas At lagi nalang nakatingin Hindi makapasok dahil bawal Di rin naman makaalis dahil ayaw. Ngunit tila mas madaling Talikuran na lamang siya Kaysa pilitin siyang abutin Pagkat ang salamin Ay kanyang inilagay Upang ako’y pagbawalan Na makalapit. Wala na yata akong magagawa pa Upang siya’y makamit. Pagkat wala akong pera O kaya’y magandang damit o sapatos O malinis na kamay Upang maging karapatdapat na siya’y haplusin At angkinin. Kaya’t ako’y magtatanda na At sasabihin sa sarili Na di ko na kailangan ng manyika.
Ateneo College Glee Club Tayo'y mga Pinoy (i forgot the date, but the same day Jun Lozada visited UP Diliman) Church of the Risen Lord __________________________________
Through small, seemingly insignificant, sharp icicles you attacked me and i found no solace, no refuge, no shelter to protect me.
You were my shelter but you caved in on me. You were my refuge that so suddenly turned hostile. You were my solace, my source of strength yet you chose to bury your dagger at my most vulnerable point.
You knew what everyone never sees, what everyone thought doesn't exist: My profound weakness.
And you chose to hurt me still.
I do wonder how am I supposed to tell you, to plead for my brokenness, to ask you to please stop hurting me.
Nagpasko nang tunay pagkat sa puso ko ay sumilang na ang Panginoon.
Tulad ng pagsilang Niya sa sabsaban madilim at madumi puno ng alikabok at putik pinalilibutan ng iba't ibang hayop
sumilang Siya sa aking puso na madilim at madungis puno ng bahid ng kasalanan ng panibugho, galit at pait lulong sa ideyalismo ng kamunduhan
hindi Niya pinili na manatili sa isang palasyong makinang hindi Siya tumalikod nang matamasa ang kababaan at karukhaan ng puso kong lugmok sa kasalanan
bagkus ay Kaniyang pinilit na doon ay isilang.
Kaya marahil Siya ay ipinanganak sa sabsaban Nang maintindihan at maramdaman ng mga tulad kong nakakaligta sa Kanya na hindi niya tinitignan ang linis o karumihan ang taas o kababaan ng isang pusong Kanyang paglulunan.
Kailangan lamang Niyang malaman na ang madumi at madungis at madilim na pusong yaon ay bukas upang Siya ay tanggapin at bigyang daan at Siya ay hindi magdadalawang isip hindi mag-aatubili na sumilang at manahan doon sa pusong tahanan
at bilang magpagmahal na Diyos Siya na ang bahalang humanap ng paraan kung paano lilinisin ang bawat bahid dungis na bumabalot sa pusong Kanyang tinutuluyan
upang ang pusong yaon ay Kanyang maging tahanan magpakailanman.
Huwag mong naising lisanin kita, Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa. Sa'n man magtungo ako'y sasabay Magkabalikat sa paglalakbay.
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo Yayakapin ang landasin at bayan mo.
Poon mo ay aking ipagbubunyi At iibigin ng buong sarili. San man abutin ang paghahanap Ikaw at ako'y magkasamang ganap.
Ipahintulot nawa ng Panginoon Ni kamataya'y maglalaho, anino ng kahapon
Dahil iniibig kita Mananatili ako. Huwag mong naising tayo'y mawalay Huwag nang isiping magwawakas ang paglalakbay.
Huwag mong naising lisanin kita, Wala 'kong hangaring ika'y mag-isa. Sa'n man magtungo ako'y sasabay Magkabalikat sa paglalakbay.
Mananahan sa tahanang sisilong sa'yo Yayakapin ang landasin at bayan mo.
Huwag mong naising lisanin kita... _______________________________________ Musika at Titik ni Noel Miranda Areglo ni Paulo K Tirol Mga Soloista: Chad Arcinue Leanne Laudico-Arcinue Plawta: Jay Gomez Gitara: Paolo Paculan
_______________________________________
Sana'y ganito parin ang mukha ng pag-ibig, ganito parin naipapahayag at naipamamalas.
Kahit magkawalay lalong lumalakas kumakapit, tulad ng pag-ibig ng nasa itaas.